Kumusta ka, ka-Chink?
Naka-work-from-home ka ba? O isa ka sa mga frontliners? O huwag naman sana, isa ka sa mga trabahador na walang kinikita sa kasalukuyang krisis?
Maaaring nanghihina ka na sa mga nangyayari ngayon pero, my friend, kapit lang.
FEELING HOPELESS?
Na-imagine mo na bang mabuhay nang hindi lumalabas ng bahay nang isang buwan o higit pa? Na-imagine mo na bang mabuhay nang kulang sa pagkain? Walang kinikitang pera?
Ang mga ito, mahirap at nakatatakot. Pero pwede pang magawan ng paraan hangga’t naniniwala kang may pag-asa pa.
Ano ang mas mahirap?
Ang mabuhay nang walang hope.
“Chinkee, possible ba ‘yon?
Hindi.
A LIFE WITHOUT HOPE IS IMPOSSIBLE
Kung ang araw ay sumisikat matapos ang bawat gabing madilim, kung ang kalangitan ay umaaliwalas matapos ang bagyo, kung may mga gumagaling pa rin sa mga sakit na kinatatakutan natin, for sure, may solusyon pa rin sa bawat problemang kahaharapin natin.
Mabuhay ka nang wala ang maraming bagay, huwag lang ang hope.
My friend, I am telling you, there is hope even in the darkest, loneliest side of the world. Bakit ko nasabi ito? Dahil mayroong isang nilalang na laging nariyan para gabayan tayo, hindi natin Siya nakikita pero kitang-kita Niya tayo. Alam Niya ang pinagdaraanan nating pagsubok at nakahandang ibangon tayo mula sa pagkakadapa. Kailangan lamang na kilalanin Siya at magtiwala Sa Kanya.
TRUST IN THE LORD WITH ALL YOUR HEART
Kapag tinanggap mo si Lord sa iyong buhay, hindi mo mararamdamang nag-iisa ka at wala nang pag-asa. Sasamahan ka Niya sa bawat hakbang patungo sa buhay na puno ng pag-asa.
Sabi nga sa bible, “Be strong and of good courage, do not fear nor be afraid of them; for the Lord your God, He is the One who goes with you. He will not leave you nor forsake you.” Deuteronomy 31:6.
Kapit lang, ka-Chink. Malalagpasan din natin ang krisis na ito.
“Mawala na ang lahat ‘wag lang ang pag-asa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kumusta ka ngayong panahon ng krisis?
- Sa tingin mo ba may pag-asa pang masolusyunan ang kasalukuyang krisis?
- Paano mo mapananatiling positive ang mindset mo sa panahong ito?
Watch my CHINKspirational video:
Episode 10. NEVER LOSE HOPE
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.